New involvements.
“Okay. Okay. Kaya ko kaya ito?” First time ko sumali sa ganito. First time ko maging active sa extra curricular activities kaya eto, wala pa rin akong pundasyon para simulan ng maayos ang 2nd quarter at mapanatili ang rank ko overall. Isa pang first time ko un, makapasok sa overall. Anyways, ilang araw na din kaming excused para sa training kaya madami akong namiss. Mahirap. Mahirap. Pshanggala na di ko ata kakayanin pero kailangan dahil ginusto ko ito. Pinili kong tumungo sa isang bago’t kakaibang daigdig ng mga talentado sa larangan ng pamamahayag. Lathalain ang category ko. Madali para sa iba dahil di pa nila nasusubukan, ngunit mahirap. Mahirap dahil ikaw mismo ang gagawa ng mga bagay na isasama mo sa mga talata nito. Sa pag-aakala kong magiging pang-pulubi ang performance ko, nagbago ang pananaw ko sa buhay nang magsimula ito. 1 oras—iyan ang itinakdang oras sa amin upang kami’y makalikha ng isang lathalain. Na-challenge ako dahil hindi ako sanay sa mga gawain na under time pressure. Isama mo pa dito ang hamon mo sa iyong sarili na umunlad. this is the last. after this week, focus na uli ako sa studies. :| so sad to think na marami akong namiss pero ok lang, madami akong nadiscover. Ung friction pen. Ung feature stories na bumebenta. Hay. Sana lang ho manalo ako next friday. Motivated na ako kaya sana consistent na :))) Kakayanin ko ito. Hahaha. poor Franz,